Phivolcs

Magnitude 4.5 na lindol niyanig Surigao del Sur

December 22, 2023 People's Tonight 158 views

NIYANIG ng lindol na may lakas na 4.5 ang probinsya ng Surigao del Sur noong Biyernes ng madaling araw, Disyembre 22, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Batay sa tala ng Phivolcs, ang pinagmulan ng lindol ay tectonic at nangyari bandang 1:25 ng madaling araw.

Ang epicenter ng lindol ay natukoy na nasa layong 107 kilometro sa timog-silangan ng Cagwait, Surigao del Sur, at may lalim na 1 kilometro.

Walang inaasahang aftershocks ayon sa Phivolcs matapos ang nasabing pagyanig. Gayundin, hindi rin inaasahan na magdudulot ito ng pinsala sa lugar.

AUTHOR PROFILE