
Magnitude 4.4 quake yumanig sa Surigao del Sur
NIYANIG ng magnitude-4.4 na lindol ang Surigao del Sur noong Martes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Nangyari ang lindol, na dahil sa tectonic activity, bandang alas-10:49 ng umaga. Matatagpuan ang epicenter nito mga 84 kilometro sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur at may lalim na 30 kilometro.
Ayon sa Phivolcs, aftershock ang huling lindol ng magnitude 7.4 na lindol na naranasan sa Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.
Walang inaasahang posibleng aftershocks ayon sa Phivolcs matapos ang pagyanig.
Hindi rin inaasahang magdudulot ito ng pinsala sa nasabing lugar.