Default Thumbnail

Magnanakaw ng oras

January 20, 2024 Magi Gunigundo 468 views

Magi GunigundoMARAMI tayong matututuhan sa pagkatao ng isang nilalang na palaging huling dumarating sa tipanan. Ang paggamit ng nakakasuklam na trapiko sa Metro Manila bilang katwiran sa pagkaantala ng pagdating ay hindi katanggap-tanggap maliban kung marahil ay iniwan mo ang punto A ng dagdag na isang oras sa normal na oras ng paglalakbay mula sa punto A hanggang punto B at ang trapiko sa araw na iyon ay pambihira. Ang hindi pagdating sa oras ay katumbas ng pagnanakaw ng mahalagang oras ng kausap. Ang pagiging huli, na siyang kabaligtaran na katangian ng personalidad ng pagiging maagap, ay nagpapakita kung paano itinuturing ang ibang tao at pinahahalagahan ang oras na inilalarawan ni Thomas Edison bilang tanging kapital na mayroon ang sinumang tao, at ang tanging bagay na hindi niya kayang mawalan. Ang “ Pilipino Time” o kultura ng pagkahuli ay dapat iwaksi.

Ang unang hakbang ay i-access ang PAGASA

PAGASA

at iparehas ang mga orasan at iba pang mobile at computer devices sa bahay at trabaho sa PhST (ang Philippine Standard Time). Ang website ay may stratum 0 Network Time Protocol (NTP) server, na nagbibigay ng “Internet time dissemination.” Ang NTP ay isang paraan ng pag-“synchronize” ng computer clock sa Internet. Sa sistemang ito, ang Philippine Standard Time (PhST) ay makukuha online saPAGASA website, at ang NTP program ang magbibigay-daan sa paglipat ng oras na ito sa mga kliyenteng uma-access sa site.

​Ang DOST-PAGASA, ang opisyal na tagabantay ng PhST, ay gumagamit ng rubidium atomic clock nan apakatumpak. Ang orasan na ito ay may receiver na tumatanggap ng mga timing signal mula sa hindi bababasa apat na nag-oorbit na satellite sa Global Positioning System ayon sa DOST. Ang orasan na ito ay naka-synchronize sa Universal Time Coordinated o UTC, na siyang opisyal na oras ng mundo.

Ikalawa, magsumbong sa DOST-PAGASA ng mga istasyon ng telebisyon at radyo na hindi kapareho ng PhST sa panahon ng pagsasahimpapawid ng mga programa nito. Maaaring maharap sa multa mula P30,000 hanggang P50,000 ang may ari ng istasyon. Sa pangalawang paglabag, ang kanilang prangkisa ay maaaring bawiin o kanselahin. Inaasahan ng batas ang tulong ng mga istasyon ng telebisyon at radyo sa pagpapalaganap ng tumpak na PhST para sapakinabangan ng taong bayan na hinihikayat na pahalagahan ang bawat saglit bawat araw ng kanilang buhay.

Pangatlo, ang mga opisyal ng gobyerno ay dapa tmagsilbi na mabuting halimbawa ng kaagapan. Itigil naang mga dramatikong huling pagdating sa mga pagtitipon lalo na’t mga senior citizens ang mga tagapanood. Huwag gawing dahilan na kakaunti pala ngang manonood sa nakatakdang oras. Sa panahon ng aking panunungkulan sa Kongreso, kinilala ng mga taga-lungsod ang pagiging istrikto ko sa pagdating ng eksakto sa iskedyul. Dahil dito nag-uumpisa ang palatuntunan sa itinakdang oras. Sa kasamaang palad, marami pa rinpulitiko ang ayaw lubayan ang dramatikong pagpasok na naglalantad ng pangit na katangian ng personalidad na nakapipinsala sa pag-unlad ng bansa.

Ang mga matagumpay na lalaki at babae ay mga maagap sa pagdating sa takdang oras at ang postibong epekto nito ay tumatagos sa kanilang mga tauhan. Gaya ng sinabi minsan ni William Shakespeare, “mas mabuting maging maaga ng tatlong oras kaysa huli ng isang minuto.” Ang mga taong huli ay mga magnanakaw ng oras. Ang Pilipino ay bantog sa maraming bagay at kung pagtutulungan natin mabago ang negatibong kahulugan ng Pilipino Time, sa paglipas ng panahon, ang pagiging magnanakaw ng oras ay hindi na isa sa mga ito.

AUTHOR PROFILE