Dam

Magat Dam rehab isinulong ni PBBM

June 10, 2024 Chona Yu 326 views

QUIRINO, Isabela–Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si National Irrigation Administrator Eduardo Guillen na pag-aralan ang Magat Dam sa Isabela para sa posibleng rehabilitasyon.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa inagurasyon ng Solar-Powered Pump Irrigation Project sa Cabaruan, Quirino, Isabela, sinabi ni Pangulong Marcos na kailangan ng rehab ng dam para ma-maximize ang tulong nito sa mga tao at magsasaka.

Nais malaman ni Pangulong Marcos kung maaaring lagyan ng solar power ang Magat Dam. “Nag-uusap nga kami ni Administrator Guillen.

Ika namin, balikan natin ulit yung Magat Dam at tingnan natin kung pwede pa. Mukhang mayroon sigurong rehabilitarion na kailangan para pagandahin natin,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Lagyan natin ng ganitong solar kung babagay siya. Para naman i-modernize natin ang lahat ng ating facilities.

Kaya sa araw na ito, ikinararangal ko na sundan ang yapak ng aking ama at dagdagan ang lahat ng kanyang nagawa para sa ating mga magsasaka at kanilang mga pamilya ” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ipinatayo ang Magat Dam noong 1975 sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

AUTHOR PROFILE