Default Thumbnail

Mag-ama, kaanak ‘nilamon’ ng Laguna Lake

May 3, 2021 Gil Aman 428 views

MISTULANG nilamon ng tubig at nalunod ang mag-ama at isang kaanak samantalang apat na kanilang kasamahan ang nakaligtas matapos aksidenteng tumaob ang kanilang sinasakyang bangkang de motor sa Lawa ng Laguna Sabado ng hapon.

Base sa inisyal na ulat ng pulisya, nakilala ang mga nasawi na sina Renato Gaylon, 48, Cebuana Lhuiller branch manager, anak na si King Richard, 20, at kaanak na si John Lourence Escala, 15, estudyante, residente ng Bgy. Timugan, Los Banos, Laguna.

Samantala, nakaligtas ang apat sa kasamahan ng mga biktima na sina Joel Maranan, bangkero, kinakasamang si Zenny Maranan, ng Bgy. Bayog, Mark Christian Gaylon, 17, estudyante at kapatid na si Ruiz Gaylon, 15, estudyante, ng Bgy. Timugan.

Ayon sa pulisya, nagsagawa ng rescue and retrieval operations ang pinagsanib na kagawad ng Los Banos Coastguard, Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), Bay at Taguig Rescue Team sa lugar na kinalubugan dakong alas 4:45 p.m.

Magkakasunod na narekober ang mga bangkay ng mga biktima sa bahagi ng Talim Island, Binangonan, Rizal bandang 5 p.m. matapos tumaob ang sinasakyan nilang bangka.

Sinabi ng pulusya nal pabalik na ang mga biktima at iba pa nilang kasama mula sa Talim Island makaraang dumalo sa idinaos na kapistahan sa lugar ng hindi inaasahang mawala ito sa tamang balanse at tuluyan tumaob ang sinasakyan nilang bangka.

Sa pamamagitan umano ng isang SK Chairman at mga kasamahan na nakasaksi sa insidente, agarang nasagip ng mga ito ang mag live-in-partner na sina Maranan at magkapatid na Gaylon.

AUTHOR PROFILE