
‘Madam’ timbog, P340K shabu nasamsam sa Tondo
TINATAYANG 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000 ang nasamsam ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ( SDEU) ng Manila Police District – Moriones Police Station 2 sa buy-bust na isanagawa Martes ng gabi sa panulukan ng Claro M Recto Avenue at Dagupan Street, Tondo, Manila.
Nakilala ang target ng operasyon na si Nena Balita Y Probadora, alyas ” Madam” 54 anyos ng Mel Lopez Boulevard, Barangay 101 Vitas Street , Tondo.
Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Jorge Meneses, Station Commander, bandang 9:30 p.m. nang ikasa ang naturang buy-bust sa nasabing lugar.
Pinangunahan ito ni Police Staff Sargent Jimmy Joy Fajardo at Police Corporal Ronel Salarda, kapwa miyembro ng MPD- SDEU ng Station 2 .
Natimbog si ‘Madam’ nang mag positibo ang operation at magkaabutan nang ginamit na buy-bust money kapalit ng droga.
Nakitaan ng 50 gramong hinihinalang shabu ang suspek katumbas ng P340,000.00 ang street value.
Ayon kay Police Major Philipp Ines, ng Public Infirmation Office (PIO) ng MPD, nagpapasalamat si MPD -Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon sa buong team ng SDEU sa matagumpay na Oplan Saliksik at Simulataniuos Anti- Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO).
Si Madam ay kasalukuyang nakakulong sa MPD-Station 2 at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165, Article ll (sale and possesion of dangerous drugs).