
Mabilis na paglutas sa kaso ng pagpatay sa VM ipinangako
NANGAKO si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ng mabilis na aksyon sa imbestigasyon ng kaso ng pagpatay kay Aparri Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda at limang iba pa nitong February , 2023.
Ito ay makaraang pangalanan ng Philippine National Police (PNP) ang person of interest (POI) sa kaso.
“Whatever will be the findings of the police right now, dahil nakita mo naman ang aming level of command responsibility, if you will notice mabilis umaksyon ang ating kapulisyahan, they would really act expeditiously,” pahayag ni Abalos.
Sa pagdinig sa Senado nitong Martes, sinabi ni Police Lt. Col. Arbel Mercullo na ang person of interest at iba pang malapit na kaibigan nito ay tinitignan bilang mga POIs sa pagpatay.
Isinama ang POI sa listahan dahil na rin sa anggulong pulitika na sinusundan ng PNP sa pagpatay.
Isa rin sa mga kasama sa listahan ng POI ay body guard ng alkalde habang ang iba ay may kaugnayan sa local chief executive.
Sa nasabi rin hearing, sinabi ng maybahay ng napaslang na vice mayor na si Elizabeth Alameda na minsa na silang nakatanggap ng pagbabanta.
Itinanggi naman ng person of interest ang alegasyon at sinabing wala siyang natatanggap na reklamo na inhain sa kanya sa Office of the ombudsman.
Matatandaang si Alameda at lima nitong tauhan ay napaslang sa pananambang nitong February sa Sitio Kinacao, Barangay Beretbet, Bagabag, Nueva Vizcaya.
Ang mga biktima ay lulan ng isang starex van patungo sa Manila nang tambangan ng anim na armadong kalalakihan.
Bukod sa vice mayor, napatay din sa insidente sina Alexander Agustin Delos Angeles, Alvin Dela Cruz Abel, Abraham Dela Cruz Ramos, John Duane Banag Almeda, at Ismael Nana.