Posas

May asawa tiklo sa kasong panggagahasa

August 16, 2023 Steve A. Gosuico 309 views

CABANATUAN CITY — Nasakote ng joint warrant operatives ng city police at Nueva Ecija Criminal Investigation and Detection Group ang top most wanted person sa lungsod sa isinagawang manhunt operations nitong Martes dito.

Kinilala ni City police head Lt. Col. Warly C. Bitog ang naarestong suspek na isang Aaron, 32, walang trabaho, may asawa, ng Purok 3, Bgy. Bakero, sa lungsod na ito.

Dinakip ng pulisya ang suspek sa kanyang bahay sa bisa ng warrant of arrest para sa panggagahasa na inisyu noong Hulyo 25, 2023 ng Cabanatuan City Regional Trial Court Branch 26 na walang piyansang inirekomenda para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Bago siya arestuhin, sinabi ni Bitog na agad na nagsagawa ng surveillance operations ang kanyang mga tauhan sa suspek matapos makakuha ng kopya ng warrant of arrest nito noong Hulyo 24.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang naarestong suspek para sa kaukulang disposisyon.

AUTHOR PROFILE