Default Thumbnail

Luzon Economic Corridor inilunsad

April 12, 2024 Chona Yu 110 views

PARA mapalakas pa ang connectivity ng economic hubs sa bansa, inilunsad na ang Luzon Economic Corridor.

Ito ay matapos magkasundo ang Pilipinas, Amerika at Japan na palakasin ang ekonomiya ng bansa.

Sa Joint Vision Statement nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Koshida sa Washington sa Amerika, inilunsad ng mga ito ang unang Partnership for Global Infrastructure and Investment corridor sa Indo-Pacific.

“Today we are launching the Luzon Economic Corridor, which will support connectivity between Subic Bay, Clark, Manila, and Batangas in the Philippines,” saad ng joint statement.

Kabilang sa mga proyektong ito ang rail, ports modernization; clean energy at semiconductor supply chains and deployments, agribusiness at civilian port upgrades sa Subic Bay, Zambales.

Matagal nang sinusuportahan ng Japan ang connectivity sa bansa sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

“We plan to work with multilateral organizations and the private sector to attract quality, transformative investments,” saad ng statement.

“Together we intend to hold a trilateral event promoting investment in the Luzon Corridor on the margins of the Indo-Pacific Business Forum in Manila in May—the premier U.S. commercial event in the region,” saad ng statement.

Target ng U.S. International Development Finance Corporation na magbukas ng regional office sa Pilipinas pata sa mga karagdagang investments.

AUTHOR PROFILE