Cebu DROGA–Inihayag ni PNP Regional Director 7 Police Brig. General Anthony Aberin ang nasamsam na illegal na droga na umabot sa P11 milyon sa Consolacion, Cebu. Kuha ni JON-JON REYES

P11M shabu nasamsam sa Cebu

April 12, 2024 Jonjon Reyes 144 views

TIMBOG ang 46-anyos na lalaki sa buy-bust sa Barangay Jugan, Consolacion, Cebu noong Miyerkules na nagresulta sa pagkakasamsam ng P11 milyong halaga ng shabu.

Sa direktiba ni Police Brig. General Anthony Abiren ng Cebu Police Provincial Office, tagumpay ang buy bust ng Provincial Intelligence Unit-Provincial Drug Enforcement Unit ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) na nagresulta sa pagkakasamsam ng P11 milyong halaga ng shabu.

Kinilala ang suspek na si alyas Stephen na ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya sa Consolacion, Cebu at nahaharap sa pagalbag sa RA 10591.

Pinuri ni Police Regional Office 7 Director P/BGen. Anthony Aberin ang mga pulis sa kanilang pagsisikap.

AUTHOR PROFILE