luckymanzano Mga larawan mula sa Instagram/@luckymanzano

Luis inokray ang anak: ‘Kilalanin niya binabangga niya’

September 8, 2023 People's Tonight 261 views

KINAGILIWAN ng netizens ang pang-ookray ng celebrity dad at TV host-actor na si Luis Manzano sa kanyang anak na si Isabella Rose.

Sa kanyang latest Instagram post nitong Biyernes, Setyembre 8, ibinahagi ng celebrity dad ang isang video ng kanyang asawa at aktres na si Jessy Mendiola habang karga-karga ang kanilang anak na si Baby Rosie.

Maririnig sa video na nagbe-baby talk ang kanilang anak at paulit-ulit na sinasabi ang “baba.”

Samantala, hindi naman napigilan ng aktor na biruin ang kanilang anak na babae sa caption ng kanyang Instagram post.

“Palagi sinasabi ni @isabellarosemanzano ang “baba” which is Dad sa Arabic, either yun…. O inaasar niya baba ko,” pahayag ng TV host-actor.

“Pakisabihan @jessymendiola na kilalanin niya binabangga niya,” hirit niya pa sa anak nila ni Jessy.

Napa-comment naman ang celebrity friend ni Luis at actress-comedienne na si Alex Gonzaga sa post ni Luis.

“May problema ba si rosie sa baba??? Paki alam,” komento ni Alex.

Sumagot naman si Luis at sinabing, “@cathygonzaga – sabihin nalang natin na binabantayan ko na bawat kilos at galaw nya.”

AUTHOR PROFILE