Isko

Isko, natsitsismis na babalik bilang mayor ng Maynila

September 8, 2023 Jun Nardo 345 views

MALAKI ang impluwensiya ni Isko Moreno kay Buboy Villar na lagi niyang kasama sa “G Sa Gedli” segment ng Eat Bulaga.

Para kay Buboy, God first ang pinaiiral niya ngayon lalo na’t blessed ang buhay niya sa dalawang shows na kasali siya, ang Eat Bulaga at Bubble Gang.

Para kay Buboy nang makausap namin sa Marites University, basta may pinaglalaanan siya sa mga kinikita niya at feeling blessed siya.

Maayos na ang relasyon ni Buboy sa foreigner na ina ng dalawa niyang anak.

Pero wala siyang lovelife ngayon at si Jelai Andres ay BFF lamang niya.

Anyway, may nasagap kaming balita na muling babalik sa Maynila si Isko bilang mayor.

Pero hindi pa niya kinukumpirma ito.

Dahil pumanaw na si former Vice Mayor Danny Lacuna na tinatanawan niya ng utang na loob at may bagong Lacuna nang naging Manila mayor — si Honey Lacuna — handa na raw balikan ni Isko ang pulitika sa Maynila.

May taong taga-Maynila na pinapasyalan si Isko at kinakausap.

Kung totoo man ito, aalamin namin kay Isko dahil marami na ring naghihintay sa pagbabalik niya sa Manila, huh!

DIREK JOEY

DIREK JOEY, PASABOG ANG CAMEO SA VIVAMAX  MOVIE NA ‘PATIKIM-TIKIM’

NAKAKAALIW ang Vivamax movie na Patikim-tikim na dinirek ni Joey Reyes at mapapanood simula Sept. 15.

Dahil first time naming napanood ang isa sa female leads nito na si Yen Durano, aba, may ibubuga rin pala siya sa pag-arte, huh!

Wala rin siyang takot sa mapangahas na eksena kahit babae pa ang kalampungan niya!

Absent nga lang sa mediacon ang lead actor na si Aerol Carmelo na kahit hindi masyadong guwaping na guwaping ay marunong umarte.

Of course, may cameo si Direk Joey at pasabog ang kanyang mga eksena, lalo na sa ending.

AUTHOR PROFILE