Carina Ang loob at labas ng LTO-Cainta District Office sa Rizal. Source: LTO-Region 4A

LTO office sa Cainta napinsala ni ‘Carina’

July 27, 2024 Jun I. Legaspi 407 views
Carina1
Ang loob at labas ng LTO-Cainta District Office sa Rizal.
Source: LTO-Region 4A

INATASAN ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang lahat ng Regional Directors at mga pinuno ng District Office na magsagawa at magsumite ng ulat sa pinsala ng Bagyong “Carina” sa mga pasilidad ng ahensya para sa agarang aksyon.

Ito ay matapos makita sa initial damage report na ang LTO Extension Office sa Cainta, Rizal ay malubhang napinsala dahil sa malawakang pagbaha na tumama sa bayan ng Cainta noong July 24 bunga ng hagupit ng Bagyong “Carina”.

Sa ulat na isinumite ni LTO-Calabarzon Regional Director Elmer Decena, 80% ng mga kagamitan ang nasira ng baha habang 90% ng mga records for disposal ay nalubog sa tubig baha.

Binanggit din ni RD Decena sa kanyang ulat kay Assec Mendoza na lahat ng mga computer na ginagamit para sa pagsusulit ay nasira habang 20% ng mga file sa extension office ay nabasa rin sa tubig baha.

Ang ibabang bahagi ng engraver machine ay nabasa rin.

Ayon kay Assec Mendoza, inatasan na niya si RD Decena na magsagawa ng malawakang paglilinis sa Cainta Extension Office upang makita ang lawak ng pinsala sa iba pang mga pasilidad.

“Inatasan din natin ang RD Calabarzon na humanap ng pansamantalang opisina ng Cainta Extension Office where the equipment and other documents would be temporarily relocated,” ani Assec Mendoza.

“The Cainta Extension Office will be temporarily closed in a few days until such time that our personnel there are able to find a temporary relocation site and resume the operation for our clients in the area,” dagdag niya.

Sinabi ni Assec Mendoza na inatasan din niya ang mga satellite at extension offices na malapit sa Cainta na tanggapin at paglingkuran ang mga kliyente mula sa bayan at mga kalapit na lugar hanggang sa ganap na maibalik sa normal ang operasyon ng Cainta Extension Office.

Sa ilalim ng patnubay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime J. Bautista, tiniyak ni Assec Mendoza na agad na ibibigay ang kinakailangang tulong upang masiguro ang normal na pagpapatuloy ng operasyon sa Cainta Extension Office sa lalong madaling panahon.

“We also directed all Regional Directors and District Office heads to submit the damage report in the soonest possible time so that we would be able to download the necessary assistance in the soonest possible time,” saad ni Assec Mendoza.

AUTHOR PROFILE