Jaime J. Bautista

LTO-Coron District Office bubuksan

July 24, 2023 Jun I. Legaspi 1006 views

BILANG tugon sa programa ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista at bagong talagang Assistant Secretary at Land Transportation Office Chief Atty. Vigor Mendoza II, bubuksan na ang bagong LTO-Coron District Office.

Ayon kay MIMAROPA District Office Regional Director Eduardo C. De Gusman, bahagi ng program ni Bautista at Mendoza II na higit pang ilapit ang agency sa taong bayan sa pagbibigay ng mas higit na maayos at mas kumbinyenteng serbisyo sa probinsiya ng Palawan.

Sinabi ni De Gusman na bukod kay Sec. Bautista at Mendoza, malaking tulong ang ginawa ni Coron Mayor Mario T. Reyes sa pag apruba ng Municipal Resolution No. 124 series of 2023 at ng Sangguniang Bayan sa pagbibigay ng milyong pondo para sa mabilis na construction ng nasabing LTO-CDO.

Ayon kay De Gusman, napakalaking tulong sa mga empleyado ng agency para sa malinis, maayos at kaakitakit na opisina ang bagong LTO office.

Ang bagong LTO-CDO ang magiging sentro ng mga application ng Student Permits, renewal ng driver’s license, renewal ng mga sasakyan at iba pang mga transactions kaugnay sa mga gawain ng agency.

Photo courtesy by LTO-Coron District Office

NEW LTO OFFICE–Si MIMAROPA Regional District Office Eduardo C. De Gusman (gitna, nakaupo) kasama ang mga staff ng Land Transportation Office-Coron District Office.

AUTHOR PROFILE