Lovi

LOVI SUPORTADO SI LIZA AT IBA PANG PINOY TALENTS SA HOLLYWOOD

March 4, 2024 Ian F. Fariñas 102 views

NAKABALIK na nga sa Amerika si Lovi Poe matapos ang maikling pananatili sa bansa dahil sa pumanaw niyang pet dog na si Phoebe.

Nagka-tumor si Phoebe habang wala rito si Lovi at lumala ang kondisyon nito kaya kinailangan nang “patulugin.”

Anyway, bitbit ng aktres ang isa pa niyang pet dog na si Señorito, isang Maltese, sa kanyang pag-alis.

Sobrang hectic nga ang naging schedule ni Lovi rito dahil bukod sa pag-aasikaso kay Phoebe, naisingit pa niya ang pagdalo sa Panagbenga Festival ng Baguio City para i-represent ang iniendorsong SCD Skin Products.

Pagbalik ng Maynila, nakipag-meeting din siya sa isa pang possible product endorsement na ilu-launch bandang Mayo at nakipag-reunite sa mga boss at partners ng Ready Set Glow cosmetics.

Bago tuluyang umalis pa-Amerika nitong nagdaang linggo, nagawa pa niyang humarap sa presscon kasama ang ilang entertainment press.

Dito ay naikwento ni Lovi ang tungkol sa dalawang proyekto na sisimulan niya para sa Regal Entertainment kabilang ang movie na may titulong The Untamed.

Ito umano ang magiging priority niya pagbalik ng ‘Pinas very soon.

Bukod dito, may pino-promote rin siyang international movie, ang Bad Man, kung saan kasama niya sa cast sina Seann William Scott, Rob Riggle, Chance Perdomo, atbp.

Ayon sa aktres, napili siya rito dahil sa isang audition na ginawa niya years ago.

Kwento pa niya, “Just to be in this kind of environment, nakaka-intimidate. But then they made me feel comfortable. Everyone was so professional and ang saya! When I was there, hanggang ngayon, I’m still on a high. Kasi nu’ng ginagawa ko ‘yung project na ‘yon talaga, i really enjoyed.”

Maliban sa Bad Man experience, excited ding ibinalita ni Lovi ang tungkol sa pagtatayo nila ng mister niyang si Monty Blencowe ng sariling production company na handang makipag-collab sa international outfits.

Tinawag niyang C’est Lovi Productions, naniniwala umano ang aktres na “marami tayong magagaling na actors, directors, writers. I think it will be nice to see everyone, the best of the best excel globally.”

Nasa casting stage na ang maiden offering ng C’est Lovi na pagbibidahan ni Lovi, ang The Sacrifice, mula sa panulat at direksyon ni Jerrold Tarog.

Co-produced ang nasabing proyekto ng international partners na ia-announce ng team soon. Dahil dito, nahingan si Lovi ng reaksyon sa tagumpay na tinatamasa ng Pinoy artists tulad ni Liza Soberano abroad.

Anang Bench Body endorser, “It’s really great kasi you always have to commend people who pursue their dreams, ‘di ba? It takes a lot of courage and it takes hard work. And it’s always nice and so basically C’est Lovi Productions is my main thing, ‘di ba, it’s to support Filipino talent. And we want to do talaga is to showcase Filipino talent abroad and see people shine. And it’s so nice to see a lot of people make it abroad, Miss Dolly de Leon, there’s Liza, there’s Inigo Pascual. It’s endless and we want to see more, ‘di ba? That’s what we want.”

AUTHOR PROFILE