Kapalit

Bida ng ‘Takas’ balik-Vivamax sa ‘Kapalit’

March 4, 2024 Ian F. Fariñas 219 views

Sa March 8, kaabang-abang ang bagong role ni Cess Garcia sa pelikulang Kapalit, matapos mag-number 1 sa Vivamax ang pelikula niyang Takas noong February 16.

Ngayon, gaganap siya bilang isang caregiver na mai-in love sa kanyang boss.

Matatanggal si Audrey sa pagiging nurse nang mahuli siyang nakikipagtalik sa kanyang boyfriend sa ospital na pinagtatrabahuhan.

Inaasahan niya na makakapag-abroad na siya pero maloloko naman siya ng recruiting agency.

Mabuti na lang, makakahanap siya ng ad para sa private nurse/caregiver at matatanggap naman siya rito.

Sina Matt Francisco at Rica Gonzales ay gumaganap bilang Stan at Demi, ang bagong employers ni Audrey.

Doctor si Stan, samantalang may sakit na hindi pa maipaliwanag si Demi. Patuloy itong manghihina kaya’t kailangang matutukan ni Audrey.

Hindi magiging madali na makuha ang loob ni Demi pero magiging magkaibigan ang dalawa nang lumaon.

Masasabi ni Demi kay Audrey na gusto niyang makahanap si Stan ng mamahalin at ipapalit sa kanya. Sa mga panahong ito, may sexual tension nang namamagitan kina Stan at Audrey.

At bilang marurupok, bibigay sila rito.

Habang patuloy ang kanilang panloloko kay Demi, may malalaman naman si Audrey tungkol sa sakit ni Demi.

Siguradong kapana-panabik ang mga susunod na pangyayari.

Mula sa direksyon ni Carlo Alvarez (Manyak), ang Kapalit ay ipalalabas na sa Vivamax simula March 8. Kasama rin sa cast si Chad Alviar bilang si Richard, ang boyfriend na walang ambisyon kundi makasama lamang si Audrey.

AUTHOR PROFILE