
Loved it
WALANG patawad si Lovi Poe sa paghahasik ng ganda at kaseksihan! Sa kanyang pinakabagong post, parang diyosang bumaba sa lupa ang aktres habang suot ang maroon bikini sa isang indoor photoshoot.
Serving body, lethal face card — literal na walang tapon. Pinatunayan niya yan sa edad na 36.
Sa simpleng caption na “Push to start,” mas lalong pinaandar ni Lovi ang init ng social media! Sobrang ethereal ng datingan, parang sinasabing “Push to start? Eh parang gusto nang mag-overheat ng buong Instagram!”
Natural, nagkagulo ang fans! “Toned body! Gorgeous!” ang sigaw ng isa, habang ang isa naman ay napaisip sa sobrang alindog ng aktres: “Oo na Lovi! Hindi na ko kakain ng rice!” Ganyan katindi ang epekto niya!