
Pamatay ang porma
MULING nagliyab ang social media matapos mag-post ang beauty queen at body icon na si Michelle Dee ng kanyang mapangahas na larawan!
Suot ang isang itim na bikini, nagmistulang isang diyosang pandigma ang reyna habang fierce na fierce sa kanyang latest pasilip. Confidence? Dripping. Aura? Pang-Miss Universe!
Sa caption na, “A few snaps behind the scenes… SOBRANG REYNA!!” tila pinapaalalahanan niya ang lahat kung sino ang nagmamay-ari ng entablado — at pati na rin ng social media! Agad namang bumaha ng reaksyon mula sa mga netizens na tila sinapian ng fans club energy! May nagsabing, “Reyna thingssss!”
Samantala, giit naman ng isang netizen “Miss Grand for Michelle!” Si Dee ang Miss Universe Philippines 2023, kung saan ay nagtapos siya sa top 10 ng kompetisyon.