Kim Larawan mula sa IG/@chinitaprincess

Love life ni Kim Chiu parang telepono

December 18, 2023 People's Tonight 187 views

TAHASANG sinagot ng TV host-actress na si Kim Chiu ang status ng kanyang love life ngayon kasabay ng mga usap-usapang hiwalay na sila ng aktor na si Xian Lim.

Sa latest vlog ng beteranang aktres na si Maricel Soriano kung saan nagkaroon sila ng challenge na magiging “yaya for a day” siya ni Kim.

Sa isang parte ng nasabing YouTube vlog, sabay na naglalakad ang dalawa sa hallway ng ABS-CBN nang matanong ni Diamond Star ang TV host-actress patungkol sa love life nito.

Tila na-hotseat si Kim sa pangangamusta ni Maricel sa kanyang buhay paag-ibig kaya hindi ito agad nakasagot.

“Tinatanong nila love life mo eh. Hindi naman ako makasagot dahil hindi naman ako ikaw,” saad ng beteranang aktres.

“Sino nagtatanong sa’yo?” tanong naman ni kim kay Maricel.

“Mga fans mo. Nagtatanong sila,” sey ni Maricel.

Natawa naman si Chinita Princess bago sagutin ang tanong.

“Ang love life ko ay naka-hang ngayon,” wika ng TV host-actress.

“Parang telepono ‘day?” hirit naman ni Maricel sa sagot ni Kim.

“Oo!” sagot pa ng ‘It’s Showtime’ host.

Tila inilihis naman ni Kim ang usapan patungkol sa kanyang love life matapos matanong iyon.

Magpahanggang ngayon ay usap-usapan ang hiwalayan ni Kim at ni Xian. Matatandaang kamakailan lamang ay burado na sa YouTube channel ng aktor ang mga vlogs nito maging ang mga videos na magkasama sila ni Kim.

AUTHOR PROFILE