
Netizens may di alam sa KathNiel breakup
USAP-USAPAN ngayon sa social media ang ginawang pag-unfollow umano ng aktres na si Alora Sasam sa aktor na si Daniel Padilla.
Kilala si Alora bilang close friend ng ‘A Very Good Girl’ actress na si Kathryn Bernardo at inuurirat ng mga netizens na may alam sa hiwalayan ng KathNiel.
Napansin din umano ng netizens na maging ang ‘Senior High’ actress na si Andrea Brillantes ay in-unfollow rin daw ni Alora sa Instagram. Matatandaang si Andrea ang itinuturong third party umano sa hiwalayan ng dalawa.
Kamakailan lang din ay sinagot ni Alora ang isang netizen na nagbigay komento sa kanyang TikTok account patungkol sa appreciation post niya sa kaibigang si Kathryn.
“Alora sana maging maayos kang kaibigan sa dalawa na sana mapayuhan mo ng ayos at ‘wag panghimasukan ang hindi dapat pang panghimasukan,” saad ng nasabing netizen.
Nagbigay pahiwatig si Alora sa komento sa kanya ng netizen na mayroon siyang tila nalalaman sa dahilan ng KathNiel breakup.
“If alam mo rin ang nalalaman ko po, ‘di ito comment mo. Try mo critical thinking. Wag panghimasukan kapag wala kang nalalaman. God bless!” pahayag ng aktres.