Lolo Patay ang 81-anyos na lolo matapos suntukin ng sariling apo sa Sta. Ana, Manila.

Lolo sinapok ng apo, dedo

March 26, 2024 Jonjon Reyes 308 views

PATAY ang isang 81-anyos na lolo matapos sapukin ng kanyang sariling apo na umano’y nasasangkot sa iligal na droga sa Barangay 770, Sta. Ana, Manila, Lunes ng gabi.

Kinilala ni Police Capt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, ang biktima na residente sa Sta. Ana, Manila.

Batay sa imbestigasyon ni PMSg. Arvy Macarasig, napansin ng isa sa mga kapitbahay ng biktima na lumabas ng bahay ang lolo na gallt na galit habang pinagmumura ang kanyang apo na suspek na edad 27-anyos.

Ilang sandali pa, lumabas na rin ang suspek sa nasabing bahay at saka sinuntok ang kanyang lolo hanggang sa bumagsak ito sa sahig.

Nagawa pang bumangon ng biktima ngunit itinulak ito ng apo dahilan para humampas ang ulo sa pader.

Ayon pa sa report, sa kabila ng wala nang malay ang biktima ay paulit-ulit pa rin siyang pinagsusuntok ng apo na suspek na nagresulta sa pagkamatay ng lolo.

Gayunpaman, patuloy pang nagsasagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad para madakip ang suspek na tumakas matapos ang ginawang krimen.

AUTHOR PROFILE