Default Thumbnail

Lolo nakitang dedo sa Sta. Mesa

February 16, 2022 Jonjon Reyes 307 views

ISANG 72-anyos na lolo ang natagpuang patay sa ika-2 palapag ng bahay nito sa Sta. Mesa, Manila batay sa ulat ng pulisya.

Ayon kay Elmer Amado, pamangkin ng biktimang nakilalang si Marino Martinada, residente ng Bgy. 596, Sta. Mesa, bandang 6:00 ng hapon, nang madiskubre ang biktima na wala nang buhay sa loob ng kanyang bahay.

Batay sa salaysay ni Amado sa tanggapan ng Manila Police District-Homicide Section, kinakatok umano nito ang pinto dahil naka-padlock sa loob ngunit walang sumasagot sa mga tawag nito.

Dahil dito, puwersahan nitong dinistrungka ang naka-lock na pinto hanggang sa tumambad na ang masansang na amoy na galling sa matandang biktima.

Agad nitong ipinagbigay alam sa kanilang barangay na tumawag sa MPD V. Mapa Police Community Precinct na sakop ng Station 8.

Matapos ang koordinasyon sa tanggapan ni P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng MPD- Homicide Section, inatasan si Det. Jero Santos para humawak sa kaso at rumesponde sa bahay ng biktima.

Huling nakitang buhay ang biktima noong Pebrero 8 at nalaman na madalas umanong sumasakit ang ulo nito.

Gayunman, napag-alaman sa kaanak ng biktima na hindi na sila interesado na imbestigahan pa ang insidente dahil naniniwala sila na namatay lamang ito sa sakitat makaraang lumagda sa isang waiver. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE