Default Thumbnail

Lolo nadedo sa 8 bahay na gumuho sa Valenzuela

September 4, 2023 Edd Reyes 193 views

NASAWI ang 65-anyos na lalaki dahil sa bali sa tadyang nang mapabilang ang kanyang tirahan sa walong kabahayan na gumuho Linggo ng umaga sa Valenzuela City.

Nakilala ang nasawi na si Reynaldo Maraya, ng 2062 Feliciano St., Mapulang Lupa.

Dati nang nakaratay sa banig ang lalaki at natuluyan na kasamang tinangay ng gumuho nilang bahay matapos makabitiw sa pagkakawahak sa kamay ng isang anak na lalaki.

Naisugod pa sa Valenzuela Medical Center ang biktima bago inilipat sa Philippine Orthopedic Hospital kung saan siya idineklarang patay Lunes ng umaga.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni Mayor Wes Gatchalian, pasado alas-9 ng umaga nang gumuho ang pader sa gilid ng mga itinirik na kabahayan sa Feliciano St., Brgy. Mapulang Lupa dahil sa walang tigil na ulan.

Nagresulta sa pagkawala ng tirahan ng may 28 pamilya ang pagguho.

Sa ginawang pag-aaral ng Office of the Building Official (OBO), lumambot ang lupang kinatitirikan ng pader at magkakatabing kabahayan na sakop ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ayon sa OBO, sa ilalim ng itinayong transmission line ng NGCP nakatirik ang mga kabahayan sa naturang lugar.

Pagkakalooban simula sa Miyerkules ng P10,000 tulong ang mga pamilyang nangungupahan lamang o nakikitira sa nawasak na kabahayan.

AUTHOR PROFILE