Default Thumbnail

Pagkamatay ng kolehiyala iniimbestigahan ng CIDU-QCPD

September 4, 2023 Melnie Ragasa-limena 223 views

INIIMBESTIGAHAN ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD) ang pagkamatay ng isang kolehiyala na unang ni-report ng kaniyang mga kamag-anak na nawawala.

Sa report ng CIDU-QCPD, humingi ng tulong sa pulisya noong Setyembre 1, 2023, ang mga kaanak ng 29-anyos na biktima upang i-report ang kaniyang pagkawala.

Napag-alaman na umalis ang biktima pasado alas-3:00 ng hapon noong Agosto 29, 2023 pero hindi na umuwi ng bahay.

Ni-review ng pulisya ang CCTV sa bahay ng biktima noong Setyembre 3, ang araw na umalis siya ng kanilang tahanan.

Agad na pinuntahan ng mga pulis ang bahay pero walang nagbubukas ng pinto kahit ilang beses na silang kumatok.

Nang sumilip sila sa bintana nakita nila ang nawawalang biktima na patay na at nakasalampak sa sofa.

May nakabalot na plastik na supot sa ulo ang biktima na nakakabit sa oxygen tank.

Sapilitan nang binuksan ng pulisya ang pintuan at nadiskubre ang bangkay ng biktima na nasa early stage of decomposition na.

May natagpuan din na duct tape, gunting, mga tali at ilang piraso ng plastic na katulad ng nakabalot sa ulo ng biktima.