Crime

Lolo binoga, dedo

July 24, 2023 Jojo C. Magsombol 418 views

ISANG 75-anyos na lolo na pinaniniwalaang pinatay ang natagpuan ng kanyang asawa na nakabulagta sa salas ng kanilang bahay sa Purok 4, Bgy. Tipacan, Lipa, City, Batangas Linggo ng umaga.

Natagpuan sa tabi ng bangkay ang isang basyo ng bala mula sa 9MM na baril, ayon sa mga pulis.

Nalaman ang pamamaslang mula sa isang tawag ng barangay official na natanggap ni P/Cpl Ralph Vincent Cuevas, ang duty operator ng Lipa City Police Station, bandang alas-8 ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon, kagigising lamang ng asawa ng biktima nang lumabas ng kwarto pero tumambad sa kanya ang nakahandusay na katawan ng biktima.

AUTHOR PROFILE