Default Thumbnail

Lolo, 71, tiklo sa panghahalay sa Malate

July 29, 2022 Jonjon Reyes 325 views

ISANG 71-anyos na lolo ang inaresto ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa tinitirhan nito sa Anak Bayan Street, Malate, Maynila, Huwebes ng hapon.

Tuluyan munang mananatili sa kulungan ang lolong suspek, may asawa at nakatira sa Anak Bayan St., Malate, Paco sa naturang lungsod.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Salvador Tangdol, commander ng MPD Malate Police Station 9, pasado alas-3:00 ng hapon nang matimbog ang matandang suspek malapit sa kanyang bahay sa Clever Street, malapit sa panulukan ng Sarmiento Street sa Anak Bayan.

Dahil na rin sa direktiba ni P/Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco, MPD director na paigtingin sa area ng Malate ang Station Anti- Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO), ibinaba ni Tangdol ang utos sa pag-aresto sa mga most wanted person sa station level.

Sa pangunguna ni P/Cpt. Henry Navarro, hepe ng Station Warrant Section at P/Maj. Salvador Iñigo Jr. ng Station Investigation Branch, tinungo nila ang kinaroroonan ng suspek.

Ang arrest warrant laban sa suspek ay inisyu ni Presiding Judge Ma. Celestina Mangrobang ng Regional Trial Court Branch 38 ng Maynila na may petsang Hunyo 10, 2016 sa kasong “rape”, Article 266-A, Revised Penal Code (RPC) na inamiyendahan sa Republic Act 8353.

AUTHOR PROFILE