
Lolang may memory gap nalunod sa ilog
PATAY ang isang lola na umano’y dumaranas ng memory gap o dementia nang malunod sa Lawaye River sa Barangay Mabalanoy, San Juan, Batangas, noong Linggo.
Kinilala ang nalunod na 79-anyos na balo ng Sitio 3, Barangay Mabalanoy.
Nalaman na nalunod ang biktima dahil sa isang tawag sa telepono sa San Juan municipal police station mula sa isang concerned citizen na nagsabing may babaeng lumulutang sa Lawaye river.
Ayon sa anak ng biktima, huling nakita ang kanyang ina Sabado ng umaga ng Oktubre 7, 2023 sa kanyang bahay.
Matapos nito, nakita ng mga residente ang biktima na lumulutang sa tabi ng ilog noong Linggo.
Sinasabing may memory gap o dementia ang biktima at walang indikasyon ng foul play ang pagkamatay nito, ayon sa report.