Default Thumbnail

Lola nagnenok ng gatas, diapers sa grocery, huli

September 18, 2023 Jonjon Reyes 246 views

ARESTADO ang isang 50-anyos na babae matapos magtangkang magpuslit ng mga groceries sa SM Manila Linggo ng gabi.

Naaresto ang suspek, na kinilala bilang Liza, ng Tayuman St., Manila matapos hingiin ng security guard na si Daisy Sumampong, 32, ang resibo sa mga “pinamili” niya.

Batay sa report ni Police Major Joemer Mukarram, hepe ng J. Bocobo police community precinct, kay Police Lieutenant Gilbert Cruz, commander ng Manila Police District-Ermita Police Station 5, bandang 9:00 ng gabi nang mabuking ng guard ang suspek na tangay-tangay ang dalawang 180 grams na Ensure Gold, 2 diapers at 2 play mat na nagkakahalaga ng P8,586.75.

Dahil walang resibo, naging complainant si Benjieloy Rozendez, clerk ng SM, para masampahan ng kaso ang suspek.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 308 ng Revised Penal Code (shoplifting) ang suspek.

AUTHOR PROFILE