
Lola, 86, patay sa sunog; 2 bumbero sugatan
PATAY ang 86-anyos na Chinese national at tatlo ang sugatan, kasama ang dalawang bumbero, sa sunog sa building sa Ermita, Maynila noong Linggo.
Sa ulat ni Corporal Angelo Bado ng Manila Police District (MPD) police station 5, kinilala ang nasawi na si Chiu Deng Kangbakale.
Sugatan din ang kanyang anak na si Peter Kho, 49. Kasama sa sugatan ang dalawang bumbero.
Ayon sa report nagsimula ang sunog pasado alas-9:32 ng umaga, ayon sa Bureau of Fire Protection.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunod sa nasabing commercial building na matatagpuan sa M.H del Pilar Ermita, Maynila. Idineklarang fire out bandang alas-11:07 ng umaga.
Napag-alaman sa may-ari ng nasunog na building na bedridden na ang biktima dahil sa katandaan at malalang karamdaman nito.
Tinatayang aabot sa P900,000 ang pinsala ng sunog.