Liza, pormal nang pinalitan ni Tirso sa FDCP

July 22, 2022 Vinia Vivar 361 views

TULUYAN na ngang bumaba sa pwesto si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson/CEO Liza Diño kahapon matapos pormal na mag-assume sa pamumuno nito ang ang bagong chairman na si Tirso Cruz III Huwebes ng gabi.

Sa isang naunang post sa social media, hanggang August 7 pa dapat ang hold-over position ni Chair Liza base sa kautusan ng Malacañang.

Pero kahapon nga ay pormal nang nagpaalam at nagpasalamat ang dating FDCP head.

Aniya, “I’d like to share with everyone that effective TODAY July 21, 2022, FDCP Chairman Tirso Cruz III has officially assumed his duties as the new CHAIRMAN/CEO of the Film Development Council of the Philippines. It’s been a true honor to serve this industry that I love so much, for the last six years.”

Sa isa pang socmed update ay sinabi naman niya na, “Chair Tirso Cruz III and his team came to the office yesterday for a meeting and to inform us that he is officially assuming his duties as FDCP Chair/CEO effective yesterday July 21, 2022 instead of the originally agreed August 7. Even with this new development, I want to assure everyone that I am giving my full support to the new leadership for a smooth transition. Thank you everyone. Hope this clarifies things.”

Lizquen

HOLLYWOOD DREAM, MAUUNA SA LIZQUEN WEDDING

Kinumpirma na ni Enrique Gil mismo na talagang hindi na muna sila magsasama sa isang project na girlfriend at ka-loveteam na si Liza Soberano.

Nagkaroon ng endorsement fan meeting si Quen kamakailan at dito ay natanong sa kanya ng mga tagahanga niya kung kailan sila magsasama ni Liza.

“Wala munang LizQuen for the moment, for the meantime since busy pa ‘yung babe ko,” sey ni Quen sa napanood naming video na in-upload ng kanyang fan.

“Sinabi pa ni Liza na ‘good luck’ pala sa ating lahat, and sana nandito siya and enjoy daw,” pagbabahagi pa niya na ikinatili naman ng fans.

Biniro rin ng fans ang aktor kung kailan ba sila pakakasal at aniya ay hindi pa sa ngayon dahil nga may pangarap pa si Liza na gustong abutin.

“Hindi pa, gusto ko munang i-follow niya ‘yung dream niyang mag-Hollywood, mag-US. So, alam mo, kung mahal mo ‘yung tao, kahit ano ang gusto niyang gawin, susuportahan mo siya talaga,” he said.

Sigawan na naman ang mga fans sa kilig dahil sa sinabi ni Quen.

BIG BREAK

Nagsimula na ang lock-in taping ni Kate Valdez para sa bago niyang serye sa Kapuso na Unica Hija.

Sa kanyang Instagram Story ay nag-post siya ng short video habang nagbibiyahe siya and wrote, “day 1 lock in for Unica Hija.”

Sa isang panayam ay ipinahayag ng aktres na itinuturing niyang big break ang pagpili sa kanya ng Kapuso Network para gumanap sa title role sa afternoon series.

“Nakakanerbyos po pero mas nangingibabaw ‘yung saya ko dahil pinagkatiwalaan po ako ng ng mother network ko, ng GMA, para sa project na ito,” sabi ni Kate.

“And I’m very excited to work with sa mga makakasama ko po dito sa series na ito dahil most of them ‘di ko pa po sila nakakatrabaho kaya sobrang excited ako at napakaganda ng story at bagong bagong at I’m sure sobrang maraming magkakagusto sa series na ‘to,” sey pa ng aktres.

Sa naturang serye ay makakapareha ni Kate for the first time si Kelvin Miranda.

Kasama rin sa serye sina Katrina Halili, Mark Herras, Faith da Silva, Athena Madrid, Boboy Garovillo, at Alfred Vargas in a very special role.

AUTHOR PROFILE