Joaquin

Joaquin, lumutang sa preskon

July 22, 2022 Jun Nardo 331 views

LUMUTANG ang Kapuso artist at anak ni former Manila Mayor Isko Moreno na si Joaquin Domagoso sa launching ng latest streaming application na Juan Networx sa Club Filipino last Thursday.

Mula nang kumalat na may anak na si Joaquin sa nakababatang kapatid ng Kapuso artist na si Claire Castro, wala pang direktang sagot na narinig kay Joaquin tungkol sa pagiging tatay niya.

’Yun nga lang, naagapan agad na makausap ng ilang press si Joaquin.

Dinala kasi siya sa mesa kasama ang co-stars niya sa BigBoyz.

Present din sa launching si OWWA Director Arnell Ignacio, ang aktres na si Liz Alindogan, Manila Vice Mayor Yul Servo, film producer Edith Fider, writer-directcor Joven Tan at iba pa.

Ang Juan Networx ay hindi lang pagbibigay ng entertainment ang hatid kundi magsisilbi rin itong guardian angel app ng bawat Pinoy na kailangan ng tulong sa emergencies.

Ito ang app na may Pinoy aruga at malasakit sa halagang P100 na membership.

NAGPAKILIG

NAGPAKILIG na naman si Paul Salas sa kanyang latest vlog dahil kay Mikee Quintos.

Kahit wala pang kumpirmasyon kung may relasyon na sila, may pa-happy anniversary si Paul sa YT channel niya.

Nag-propose rin siya sa aktres kung puwede niya itong maka-date sa GMA Gala Night sa July 31.

Siyempre, yes agad ang sagot ni Mikee, huh!

Samantala, abangan ang pagiging palaban ni Mikee sa character niya sa GMA afternoon drama na Apoy Sa Langit.

Bagong Mikee ang matutunghayan ng mga manonood sa series.

AUTHOR PROFILE