Liza Liza Soberano

Liza pinag-uusapan na naman

January 15, 2024 Eugene E. Asis 268 views
Jokoy
JoKoy

UNTI-UNTI na namang pinag-uusapan si Liza Soberano.

Matapos na naging negatibo ang pagsasabi niya ng saloobin noong isang taon, tungkol sa pagkakakulong sa isang loveteam na aniya’y hindi nakatutulong sa growth bilang aktor, at sa pagsunod niya sa kanyang talent management kung ano ang dapat at hindi dapat at dahil dito ay nawalan na siya ng kalayaan na gawin ang gusto niya.

Dahil lamang sa mga malayang paghahayag, tinawag siyang walang utang na loob.

Ito ay lalo na nang umalis siya sa poder ng dating manager na si Ogie Diaz.

Lumipat siya sa Careless Management kung saan isa sa mga namumuno noon ay ang aktor na si James Reid.

Hanggang mabalitaan na lang natin na gumagawa na siya ng isang Hollywood movie, ang ‘Lisa Frankeinstein,’ isang American horror comedy film kasama sina Kathryn Newton, Cole Sprouse, at Carla Gugino, directed by Zelda Williams in her feature-length directorial debut.

Nakatakda itong ipalabas sa February 9, 2024.

Inakala ng marami na ekstra lamang si Liza rito, pero nang ilabas ang trailer nito, tatlong beses siyang nakita na may speaking lines pa.

Lalong naging importanteng tingnan ang kanyang papel sa pelikula dahil sa posts ng isa sa mga bida na si Kathryn Newton kung saan prominenteng nakalagay ang pangalan at larawan ni Liza.

Well, hindi pa man naipalalabas ang pelikula ay masasabing natutupad na ni Liza ang kanyang pangarap na makapasok sa Hollywood.

It’s a tough act, lalo na sa isang Asian na katulad ni Liza. Maraming sumusubok at inaabot ng maraming taon bago magkaroon ng pelikula ang isang Filipino na katulad niya, pero heto, at mukhang isang taon lang, pasok na siya sa banga.

At sabi nga namin, tulad ng nangyari kay JoKoy (who considers himself as Filipino) na tinuligsa pagkatapos ng kanyang first hosting job sa Golden Globes, we should be proud of Liza no matter what. Whether her first Hollywood film, ‘Lisa Frankenstein’ becomes a hit or flops, proud moment pa rin ito para sa mga sumusubaybay kay Liza. Hindi naman siguro kawalan ng utang na loob ang mangarap pa’t tuparin ito.

Sarah tama ang desisyon na bumalik sa pag-arte

Sarah
Sarah Lahbati

SA post ni Sarah Lahbati, mukhang nakaka-move on na ito mula sa break up nila ni Richard Gutierrez.

Ibinandera nito ang paglilipat ng bahay at pag-aayos nito. Balitang P10M ang halaga ng bahay, pero hindi naman malinaw kung binayaran niya ito ng cash o hulugan. Balita ring binigyan si Sarah ng malaking downpayment ni Boss Vic del Rosario para sa comeback projects nito sa Viva Films.

Sa totoo lang, nagpakita si Sarah noon ng husay sa pag-arte at kung hindi lamang ito nag-settle down bilang maybahay ni Richard, malamang na malayo na rin ang narating nito bilang aktres. Mahusay si Sarah maging sa action scenes, at pwede siyang maging isang female action star.

Tama ang kanyang desisyon na muling bumalik sa pag-arte, at tanggap naman ng manonood ang isang aktres kahit nag-asawa o nanganak na, basta mahusay umarte at malakas ang charm sa manonood.

Sa ngayon, tahimik pa rin si Richard tungkol sa kanilang paghihiwalay. Baka isang araw, magkabalikan pa rin ang dalawa lalo pa kung walang makikialam sa kanila.

Anak ni Jennylyn kulang sa bonding sa ama nitong si Patrick Garcia

Jennylyn
Jennylyn Mercado

INAMIN ni Jennylyn Mercado sa mediacon ng kanyang bagong primetime series na ‘Love.Die. Repeat’ kasama ni Xian Lim sa GMA7 na hindi masyadong nagkakaroon ng bonding ang kanyang anak na si Alex Jazz sa ama nitong si Patrick Garcia.

Sa pananalita niya, mukhang napupunuan naman ang pagkakaroon nito ng father figure sa katauhan ng kanyang mister na si Dennis Trillo.

In fact, ayon sa kanya, close na close sina Alex Jazz at anak ni Dennis na si Calyx (Calix Andreas sa dating beauty queen na si Carlene Aguilar), lalupa’t may sarili na ring anak sina Jennylyn at Dennis na si Dylan Jade na isang babae. They are now a picture of one big, happy family.

AUTHOR PROFILE