Liza

Liza, iwi-welcome si Chair Tirso sa FDCP

July 6, 2022 Ian F. Fariñas 265 views

Tirso

NGAYONG pormal nang nanumpa ang kapalit niyang si Tirso Cruz III bilang chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), magkakaroon na ng oras si outgoing Chair Liza Diño na pagtuunan ang matagal nang pangarap na magkaanak sila ni Ice Seguerra.

Matatandaan na sa sobrang busy ni Chair Liza sa iba’t ibang programa ng ahensya, ilang beses nang na-postpone ang plano nilang magka-baby ni Ice.

Bumaha naman online ang pasasalamat at pagsaludo sa kanya ng iba’t ibang sektor ng industriya para sa lahat ng tulong at suportang ibinigay niya sa mga ito lalo na nga nu’ng kasagsagan ng Covid-19 pandemic.

Sa isang video na in-upload ni Chair Liza sa Facebook, sinabi niya na nabasa lang ang bagong development sa FDCP chairmanship online.

Aniya, “We are preparing for a smooth process, ’no, sa transition and turnover ng FdCP to our new Chair and we will welcome him pagdating na pagdating niya dito. I just want to take this opportunity to thank everyone sa lahat po ng suporta ninyo, sa lahat po ng mga messages ninyo. Thank you so much for your love and support.”

AUTHOR PROFILE