Mandanas HISTORIC–Si Lipa City Mayor Eric Africa (nakaupo) at si Batangas Gov. Dodo Mandanas (nakatayo).

Lipa hospital kargo na ng Lipa City

November 12, 2023 Jojo C. Magsombol 177 views

NILAGDAAN nina Batangas Governor Hermilando Mandanas at Lipa City Mayor Eric Africa ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa paglipat ng pamamahala at operasyon ng Lipa City District Hospital mula sa pamahalaang panlalawigan ng Batangas papunta sa pamahalaang panlungsod ng Lipa noong Nob. 10, 2023 sa Lipa City District Hospital sa Lipa City.

Ayon sa gobernador, kauna-unahan sa kasaysayan ang kasunduang ito hindi lang Batangas kundi sa buong Pilipinas.

Sa ilalim ng principle of subsidiarity, nabibigyang-diin ang devolution of basic services at local autonomy ng local government units.

Kabilang sa mga napagkasunduan ang pag-devolve ng mga responsibilidad para sa pagkakaloob ng mga pangunahing serbisyo at pasilidad ng Lipa City District Hospital (LCDH) na sisimulan sa unang araw ng 2024.

Nagpasalamat si Mayor Africa kay Governor Mandanas at sa buong pamunuan ng kapitolyo sa napakalaki at pambihirang pagkakataon na mas mapaglingkuran ang kanyang mga kababayan.

Kabilang sa mga dumalo sa paglagda sina 6th District Board Member (BM) Lydio Lopez, 6th District BM Aries Emmanuel Mendoza, 3rd District BM Fred Corona, 4th District BM Jess De Veyra, 2nd District BM Arlene Magboo, BM Melvin Vidal, Lipa City Vice Mayor Camille Lopez, Provincial Administrator Wilfredo Racelis, Chief of Staff Maria Isabel Bejasa, Provincial Health Officer Dr. Rosvilinda Ozaeta, mga konsehal ng Lipa at mga miyembro ng Provincial Local Health Board.

AUTHOR PROFILE