Liza First Lady Liza Marcos

LGBTQIA+ kina FL Liza Marcos, Speaker Romualdez: Salamat!

June 25, 2024 People's Tonight 86 views

NAGPASALAMAT si LGBTQIA+ Pilipinas President Dindin Tan kina First Lady Louise Araneta-Marcos at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa kanilang pagsuporta at dedikasyon sa kanilang grupo.

Kinilala ni Tan ang hindi matatawarang suporta ng iba sa pagsulong ng kanilang mga karapatan at upang marinig ang kanilang tinig.

“It is a powerful affirmation of their commitment to our community’s well-being and dignity,” sabi ni Tan.

Nakiisa si First Lady Liza Marcos at ang tanggapan ni Speaker Romualdez sa pagdiriwang ng PRIDE Month sa Mandaluyong City noong Lunes.

Taun-taon ginagawa ang selebrasyon upang ipabatid sa publiko ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay.

Hindi naman naitago ni Elwin Quintana ang kanyang tuwa at nagpasalamat kina First Lady Liza Marcos at Speaker Romualdez sa kauna-unahang ayuda na natanggap nito.

“Maraming salamat po kay First Lady at House Speaker Romualdez. Ang programa na ito ay malaking tulong po sa akin, hindi lamang sa akin kundi sa lahat ng mga taga-Manila. Sana magtuloy-tuloy pa ang ganitong programa,” sabi ni Quintana sa panayam.

Pangunahing tampok sa selebrasyon ang pamamahagi ng financial assistance sa ilalim ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pinamumunuan ni Sec. Rex Gatchalian.

Nasa 5,000 miyembro ng LGBTQIA+ community ang nakatanggap ng tig-P5,000.

Nakiisa rin sa selebrasyon ang “LAB for All” na inisyatiba ng First Lady. Ito ay isang medical services initiative katuwang ang Department of Health (DOH).

Nagbibigay ang “LAB for All” ng libreng laboratory services sa mga Pilipino na kawangis ng itinutulak na “Love for All” ng LGBTQIA+ community.

Samantala, kinilala ni Mandaluyong Vice Mayor Menchie Abalos ang inisyatiba at iginiit ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay.

“This program not only provides financial relief but also reinforces the importance of inclusivity and acceptance in our society,” ani Abalos.

“We are deeply grateful to Speaker Romualdez for championing this cause and making a tangible difference in the lives of many,” dagdag pa nito.

Kinilala rin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang kahalagahan ng inisyatiba.

“This initiative will continue to flourish under the leadership of President Marcos and Speaker Romualdez. Their dedication to the LGBTQIA+ community is evident, and we look forward to more progressive measures that support and uplift marginalized groups,” sabi ni Secretary Abalos.

Ayon kay Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada Jr., ang selebrasyon ay hindi lamang isang simpleng event kundi isang malakas na mensahe ng pagkakaisa at pagsuporta sa LGBTQIA+ community.

Sa tulong ng mga lider gaya nina First Lady Liza Marcos at Speaker Romualdez, sinabi ni Gabonada na mukhang magiging maliwanag ang kinabukasan para sa pagpapatuloy ng adbokasiya at mga aksyon para sa pagkakapantay-pantay.

AUTHOR PROFILE