Posas

Leon na may P365K shabu, baril timbog

November 14, 2023 Jojo C. Magsombol 193 views

KAMPO MAJOR HENERAL LICERIO I. GERONIMO, Taytay, Rizal–Arestado noong Lunes ang isang suspek na tulak ng ilegal na droga sa buy-bust sa Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal noong Lunes.

Ayon sa report ni Rizal Police Provincial Office (PPO) Director P/Col Felipe Maraggun kay Calabarzon Police Regional Office chief Police Brigadier Paul Kenneth Lucas, kilala sa tawag na alyas Leon ang suspek.

Natimbog si Leon ng mga tauhan ng Antipolo City Police Station sa ilalim ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bandang alas-5:54 ng hapon.

Narekober sa suspek ang isang plastic ice bag na kargado ng 53 gramo ng shabu na may value na P365,700, sling bag, P1,000 buy-bust money at .38 cal revolver na may anim na bala.

Sasampahan ang suspek ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

AUTHOR PROFILE