BBM

Leni taob kay BBM

March 27, 2022 Lee Ann P. Ducusin 517 views

‘Concert rally’ ni Robredo walang sinabi sa campaign rally ni Marcos sa Caloocan

TAOB ang ‘concert rally’ ni Leni Robredo’ sa campaign rally ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa Caloocan City.

Ito ang obserbasyon matapos sabihing umabot ng halos 15,000 katao ang dumalo sa pa-concert ni Leni Robredo. Hamak na maliit ang bilang na ito kumpara sa mahigit 100,000 supporters na dumagsa sa kalsada sa caravan ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., sa lungsod noong Pebrero.

Bukod dito, kinumpirma ni Caloocan City Police chief Col. Samuel Mina na karamihan sa mga dumalo sa ‘event’ ni Leni nitong Sabado ay mga ‘menor de edad’ o hindi mga botante.

“Kasi maraming performers, maraming banda. Iyong iba nakikiusyoso at iyong iba naman ay nasama lang ng mga classmate o kaibigan nila,” ani Mina.

Ilan sa mga kabataan aniya ang tinanong ng mga awtoridad kung ano ang gagawin ng mga ito sa nasabing okasyon at halos pare-pareho lamang ang sagot nila. “Para manood lang daw ng concert at hindi hindi para kampanya per se. Sabi nila marami raw kasing artista,” sabi pa ng opisyal

Nang tanungin kung ligtas bang isama ang mga menor de edad sa ganitong klaseng ‘political event,’ agad sinabi ni Mina na: “Supposedly hindi na dapat. Unang-una, they are not part of the voting population na kailangang maintindihan ng botante. Iyong mga nakita namin kanina ay mga estudyante at alam naman natin ang isyu ng security sa atin ngayon. Siyempre mayroon pa rin tayong COVID.”

Kinumpirma rin nitong may mga kahina-hinala rin silang binantayang indibiduwal na pinaniniwalaan nilang miyembro ng makakaliwang grupo sa pa-concert ni Robredo

Ilang bandera ng Bayan Muna at Anakpawis ang iwinagayway din sa nasabing okasyon.

Ang Bayan Muna at Anakpawis ay sinasabing legal front ng mga teroristang NPA.

Sa isang pahayag sa Malakanyang kamakailan, mismong ang Pangulong Duterte ang nagkumpirma sa LeniNPA na may plano ring guluhin ang inaabangang May 9, 2022 elections.

Samantala, hindi naman natuloy ang dapat sanang ‘caravan’ at Lakad kay Leni-Kiko na bahagi sana ng pagpapakita ng puwersa ng pinklawan sa lungsod.

Sa nakuhang kopya ng kanilang request sa tanggapan ni Mayor Oca Malapitan, sinabi ng signatory na si Dr. Ma. Imelda Batar na ang Robredo People’s Council of Caloocan at Kalookan Laity for Principled Politics, parish members, volunteer groups at iba pang multi-sectoral group ay plano sanang magkaroon ng motorcade.

“It will be done in selected areas within CAMANAVA which will all simultaneously begin at 7 a.m. until 10 a.m. of March 26. An estimate of around 100 vehicles, 100 motocycles, and 1,000 people will participate,” sabi pa sa sulat.

Marami tuloy ang nagsabi na kaya walang naganap na motorcade dahil walang gustong sumama sa kanilang caravan. Maliban na lang sa mga high school students na sabik makapanood ng rally.

Ilan sa bandang nag-perform sa ‘event’ ni Robredo na tinawag nilang ‘Camanava Rock & Rosas’ ay ang Tropical Depression, Scicosci, Kuh Ledesma, Color It Red, Sikatuna, The vowel they orbit, Marsmango, Hey Moonshine, Prettier than Pink, Early Ears, Milky Summer, Santino, Miles Experience, Gracenote, Tuesday Vargas, Juana Change at marami pang iba.

“Subukan mong walang banda o artista diyan, tiyak lalangawin iyan,” sabi naman ng isang barangay official kasabay ng pagbibigay-diin na ibang-iba ang senaryong ito sa ginawang pagsalubong ng mga taga-Caloocan kina Marcos at running-mate na si Inday Sara Duterte noong Pebrero.

“Taob talaga sila kay BBM,” sabi pa ng isang kagawad mula sa Bagong Barrio, Caloocan.

Umabot sa 40,000 ang matiyagang nag-antay sa venue ng BBM-Sara UniTeam sa North Caloocan, habang mahigit sa 100,000 katao naman ang nagsilabasan ng kalsada kung saan ay tumagal nang halos anim na oras ang makasaysayang caravan sa lungsod.

Ayon kay Mina, sa concert rally ni Robredo ay umabot sa 10,000 katao ang nasa loob ng Notre Dame at 3,000 hanggang 5,000 katao naman ang nasa labas ng sa Notre Dame of Greater Manila.

May 156 pulis, 250 force multipliers ang ipinakalat ni Mina sa event na ito, habang noong UniTeam rally ay umabot sa 400 pulis ang itinalaga at mahigit sa 600 north and south force multipliers din ang nagbigay ng seguridad.

Mas maraming tao, mas maraming puwersa ang dapat mangalaga ng seguridad, ayon pa sa pulisya.

Dumating umano si Leni sa event dakong alas-2:39 ng tanghali, ngunit alas-8:10 na ng gabi ito umakyat ng stage para magsalita.

“Ang akala ko po nasa holding area lang si Vice President. Siyempre po minomonitor natin, iyon pala nasa sasakyan lang siya buong oras,” sabi naman ng isang police sergeant na inatasang bigyan ng seguridad si Robredo.

“Isipin mo kung dumating ka ng 2:30 ng hapon, oras mo na sana iyon para umikot at mag-motorcade. Pero dahil mapapahiya sila sa Caravan Challenge na panawagan sa social media, nagpahinga na lang siya sa kotse,” sabi naman ng isang police reporter na naka-assign sa CAMANAVA.

AUTHOR PROFILE