Lea

Lea nagbabala kontra social media posers

May 6, 2024 Vinia Vivar 85 views

May babala sa publiko ang theater actress/singer na si Lea Salonga hinggil sa mga pekeng social media account na ginagamit ang kanyang pangalan.

Sa kanyang Instagram Story ay nilinaw ng Broadway star na iisa lang ang kanyang IG account.

“Just a friendly reminder that I have only one account here on Instagram, and it’s verified. If you see anyone claiming to be me, report them,” pahayag ni Lea.

Ang ikinaloka pa niya ay mali-mali ang grammar at spelling ng mga nagpapanggap na siya. At isa nga rin itong pagpapatunay na hindi siya ang may-ari ng account.

“The spelling and/or grammar will be the deadest of the dead giveaways. Thank you!” aniya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nabahala si Lea sa kanyang mga fake account. Noong 2019 ay nagbigay na rin siya ng babala sa kanyang followers tungkol dito dahil nanghihingi pa ng pera ang kanyang posers.

“It has come to my attention that someone has been using my name and profile picture to solicit money from my fans. I would never do that, ever. Not in a million years,” ang pahayag niya sa dating post.

“If you’ve ever received a message from someone using my name asking for money, report and block. Thank you,” aniya pa.

Tulad ngayon, pinuna rin niya noon ang maling grammar ng mga poser.

“By the way, I’ve seen a sampling of the messages. My God, talk about murder of the English language,” reklamo ni Lea.

AUTHOR PROFILE