Default Thumbnail

LCSP: Bagong curfew hours laking ginhawa sa commuters

April 29, 2021 Jun I. Legaspi 358 views

TAOS puso ang pasasalamat ng commuter at transport groups matapos i-adjust ang curfew hours mula 10 p.m. hanggang 4 a.m. sa Metro Manila Bubble Plus, Laguna, Rizal, Cavite at Bulacan simula May 1, 2021.

Sa isang interview, sinabi ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na napakalaking ginhawa at tulong ang maibibigay ng bagong curfew hours sa mga commuters at ordinary workers na pumapasok at umuuwi araw-araw.

Pinasalamatan ng LCSP ang Inter-Agency Task Force (IATF) lalo si President Rodrigo Duterte sa adjustment ng curfew hours.

“Hindi na magkukumahog sa paggising ng madaling araw ang mga ordinary workers para lamang makipagsiksikan at makipaghabulan sa pagsakay sa public transportation.

Ganun din sa pag uwi, hindi na kailangang magmamadali para lang makasakay ng public transportation. Alam nyo mga kababayan ang ating mga ordinary daily workers at commuters pagkatapos ng trabaho, bago umuwi dumaraan yan sa mga palengke, at mga authorized market vendors para mamalengke ng iluluto nilang pagkain para sa hapunan at ngayon mahaba na ang oras nila dahil sa adjusted curfew hours,” ani Inton.

Kasabay nito, hiniling ng LCSP na dagdagan pa ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) ang mga public transportation upang mas bumilis pa at guminhawa ang transport industry.

Kung marami ang masasakyan, mas mabilis ang mobility, walang siksikan, walang agawan ng sasakyan. Kung hihigpitan ang implementation ng healthy protocols na ipinatutupad, at may vaccines, kayang kaya nating sugpuin ang COVID-19, saad ni Inton.

AUTHOR PROFILE