Default Thumbnail

Anak ng mag-asawang nahagip ng dump truck humihingi ng hustisya

April 29, 2021 Jun I. Legaspi 435 views

ANG anak ng mag-asawang nasagasaan ng isang dump truck sa sa Quezon City ay humingi ng tulong sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Ayon kay LCSP founder at commuter at transport advocate Atty. Ariel Inton, ang ina ng biktima na si Victoria Gustillo, 57, ay namatay sa insidente samantalang nasa critical condition ang ama nitong si Vicente Geronimo sa Quezon City General Hosital.

Ang mga biktima ay sakay ng motorsiklo nang masagasaan ang kanilang sasakyan ng dump truck na minamaneho ni Oscar Jurilla, noong April 27,2021 sa Congressional Avenue corner Visayas Avenue, Quezon City.

Ayon kay Inton ang operator ng truck ay nagsabi na wala silang capacity na bayaran ang P115,000 funeral expenses para sa cremation ng biktima.

Nananawagan ang anak ng mga biktima sa Hall of Justice ng Quezon City na bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang ina at pagtamo ng serious injury sa kanyang ama, saad ni Inton.

Nangako si Inton na hahawakan ng LCSP ang legal concerns ng biktima at tutulungan din nila ang pamilya upang mapabilis ang mummification at cremation ng biktima.

Magbibigay din ang LCSP ng tulong sa ama ng biktima na naka-confine pa rin sa QCGH.

AUTHOR PROFILE