Kulong

Lalaki timbog sa baril

September 4, 2023 Gil Aman 235 views

KAMPO Heneral Paciano Rizal–Pasok sa rehas ang isang lalaki matapos magpaputok ng baril noong Linggo sa Bgy. Sta Maria Magdalena, San Pablo City, Laguna.

Kinilala ni P/Col. Harold Depositar, officer-in-charge ng Laguna Police Provincial Office, ang suspek na si alyas Joen, residente ng naturang lugar.

Sa report ni PLT Col. Wilhelmino Saldivar, hepe ng San Pablo City Police, lumapit ang isang concerned citizen sa mga pulis na nakatalaga sa Compact 2 San Pablo para ipagbigay alam ang pagpapaputok ng baril na isang lalaki sa Bgy. Sta Maria Magdalena, San Pablo City, Laguna.

Agad namang nagresponde ang mga pulis sa pinangyarihan ng krimen para beripikahin ang sumbong.

Dito naabutan ang suspek na hawak pa ang baril. Nang hanapan ng papeles para malaman kung legal ang kanyang baril wala itong maipakita.

Kumpiskado sa suspek ang isang caliber 38 revolver at limang bala.

Ayon kay Depositar, “nagpapasalamat kami sa ating mga kababayan na patuloy na nagtitiwala sa ating mga kapulisan sa pagbibigay ng mga impormasyon.”

AUTHOR PROFILE