Kulong

Lalaki pinilit ‘extra’ masahe, himas rehas

July 24, 2023 Melnie Ragasa-limena 477 views

HIMAS rehas ang isang lalaki na ginahasa umano ang massage therapist matapos ang home service massage sa kaniyang tahanan sa Quezon City.

Kinilala ni PLt.Co. Leonie Ann Dela Cruz, Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13) commander, ang suspek na si Jerickson Daquioag, 34, at residente ng Payatas A, Quezon City.

Ayon sa report, nagpunta ang 23-taong gulang na massage therapist sa tahanan ng biktima 8 p.m. noong Hulyo 22, 2023 matapos mag book ang suspek ng home service massage.

Matapos umano ang masahe ay humingi ng “extra service” ang suspek na agad tinanggihan ng biktima.

Sa kabila ng pagtanggi ng biktima ay sapilitan umanong ginahasa ng suspek ang masahista.

Agad nagreklamo ang biktima sa PS 13 matapos ang pangyayari.

Naaresto nang suspek sa isang follow-up operation sa San Juan Bautista St., Payatas A.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 8353 or the Anti-Rape Law of 1997 sa Quezon City Prosecutor’s Office.

“Makakaasa ang ating mamamayan na patuloy ang ating operasyon upang maaresto ang mga suspek na gumagawa ng ganitong karahasan,” saad ni PBGen Torre III.