Patay INSTANT DEATH–Sinisiyasat ng mga operatiba ng MPD-Scene of the Crime Operatives ang nakahandusay na bangkay ng lalaki matapos barilin sa Baseco compound sa Port Area, Manila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Lalaki patay sa pamamaril

March 26, 2024 Jonjon Reyes 447 views

PATAY agad ang hindi pa nakikilalang biktima ng barilin ng dalawang salarin sa Gasangan St., Brgy. 649, Baseco Compound, Port Area, Manila noong martes.

Sa report ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-4:00 ng umaga nang pagbabarilin ng mga suspek na sina John John Pascua, 28, at Ramon Sobe, 34, ang biktimang si alyas Ronald, nasa 25 hanggang 30-anyos.

Nagkaroon umano ng pagtatalo ang biktima at dalawang suspek hanggang sa binaril ng suspek sa likod.

AUTHOR PROFILE