Flood

Lalaki patay, 40 pamilya inilikas sa flash flood sa Negros Oriental

July 9, 2024 Zaida I. Delos Reyes 491 views

PATAY ang isang 70-anyos na lalaki makaraang tangayin ng malakas na agos habang 40 iba pang pamilya ang inilikas sa naganap flash flood sa Barangay Cabugan, Bindoy, Negros Oriental.

Kinilala ni Corporal Jusam Kadusale ang nasawi na si Nildo Andalajao.

Batay sa inisyal na ulat ng PNP, tinangay ng malakas na agos ang bahay ng biktima niutoing Lunes ng gabi at nabigo ang huli na makalabas dito.

Na-recover ang bangkay ng biktima dakong 8:30 ng gabi ng mga tauhan ng lokal na disaster risk reduction and management office.

Isang bata rin ang naiulat na tinangay ng baha subalit agad na nasagip.

Ang flash flood ay bunga ng walang tigil na pagbuhos ng ulan sa lugar.

Sa ngayon nasa 40- pamilya ang inilikas at pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center sa lugar.