
Lalaki huli sa syndicated estafa
CAMP BGen Paciano Rizal–Arestado ang isang lalaki dahil sa syndicated estafa sa manhunt ng Biñan police noong Huwebes
Kinilala ni Laguna Provincial Director PCol. Gauvin Mel Unos ang akusado na si alyas Ralph ng Biñan City, Laguna.
Ayon sa ulat ni Binan Component City Police Chief PLt.Col. Jonathan Robert Rongavilla , natimbog ang suspek sa Brgy. Sto. Tomas, Biñan City, Laguna.
Ikinasa ang manhunt sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 153, Biñan City, Laguna na nilagdaan ni Hon. Vernard Villapando Quijano.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Binan police ang akusado habang ang korte na pinagmulan ng warrant ay iimpormahan sa pagkaaresto ng akusado.
“Sa mas pinaigting na police operation ng Laguna PNP sa tulong na din ng ating kumonidad mas naging matagumpay ang police operation at naaresto ang akusado,” ayon kay Unos.