
Lalaki arestado sa gahasa
KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Inaresto ng mga pulis ang lalaking suspek sa panghahalay sa Brgy. Lucsuhin Ilaya, Laurel, Batangas noong Lunes.
Janitor ang suspek, may-asawa, at nakatira sa bayang ito.
Inaresto ng mga pulis ng Lian Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni PEMS Leonardo Flores ang suspek bandang alas-4:00 ng hapon noong Enero 29.
Pinirmahan ng hukom ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 14 ng Nasugbu, Batangas ang arrest warrant ng suspek.