Default Thumbnail

Lalaki, 59, na may sakit sa pag-iisip binaril, dedo

August 8, 2021 Jonjon Reyes 605 views

ISANG 59-anyos na lalaking may diperensya sa pag-iisip ang namatay matapos barilin sa Tondo, Manila.

Ang biktima ay nakilalang si Eduardo Geñorga, residente ng 144-B Mata Street, Tondo, Maynila.

Ayon kay Manila Police District Station 7 commander, PLt. Col. Harry Lorenzo, naaresto agad ang suspek sa pamamaril na naganap sa kahabaan ng Tayuman at Visayas Streets bandang 9:30 p.m. noong Sabado.

Ayon sa report, binabaybay nina Patrolman John Calagos, nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group sa Quezon City kasama si Patrolman Denmark Noche sakay ng motorsiklo ang lugar nang makarinig sila ng putok ng baril pagsapit sa lTayuman kanto ng Dagupan Extension.

Agad hinanap ng mga otoridad ang pinanggalingan ng putok.

Pagdating sa Visayas St., inabutan nila ang biktima na nakahandusay at duguan dahil sa tama ng bala sa katawan.

Ipinagbigay alam agad ni,a ang insidente sa Bgy.158 at Tayuman PCP para sa imbestigasyon.

Sa pahayag naman sa pulisya ng kapatid ng biktima na si Albert Geñorga, empleyado ng MMDA, sinabi nito na may iniindang mental illness ang kanyang kapatid.

Natukoy naman ang pagkakilanlan ng salarin kaya agad itong naaresto Linggo ng madaling araw sa kanyang bahay. Narekober sa suspek ang hindi pa batid na kalibre na walang serial number at may limang bala.

Hindi naman nabanggit sa ulat ang motibo o dahilan ng pamamaril ng tanod sa biktima.

Kakasuhan ng kasong murder ang suspek at nakatakdang iharap sa Inquest Proceeding sa Manila Prosecutors Office. Nina JON-JON C. REYES & FRANCIS NAGUIT

AUTHOR PROFILE