Fire

La Union public wet market nasunog

January 11, 2024 Zaida I. Delos Reyes 221 views

AABOT sa 1,156 stalls o pwesto ang naabo matapos na masunog ang La Union public wet market kaninang madaling araw.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection o BFP, ang sunog ay nagsimula dakong 2:00 ng mgadaling araw at naapula bandang 6:20 ng umaga.

Agad nagdeklara ng state of calamity ang pamahalaang lungsod ng La Union upang mailabas ang kanilang calamity fund at magamit sa pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhang stall owners at businessmen.

Sa ngayon, tinatayang nasa P200 million ang halaga ng ari-ariang tinupok ng apoy.

Umapela din si La Union Governor Rafy Ortega-David sa kinauukulan na tulungan ang mga apektado ng sunog.

Sa mga nais magbigay ng donasyon, makipag-ugnayan sa City Disaster Risk Reduction and management office na matatagpuan sa North Tanqui Terminal sa San Fernando City, La Union

Para sa monetary donations, maaring magtungo sa City Treasury Office na matatagpuan sa unang palapag ng City hall sa San Fernando City , La Union.