
Kyline, todo-suporta sa pagka-fanboy ni Mavy sa K-pop group na Twice
ALIW ang netizens sa pagiging ultimate fanboy ni Mavy Legaspi sa all-girl K-pop group na Twice na pinuno ang 55,000-seater na Philippine Arena nitong Sabado at Linggo para sa kanilang Twice: Ready to Be World Tour.
Karay-karay pa ng binata nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi ang rumored girlfriend at perennial screen partner na si Kyline Alcantara sa panonood sa paborito niyang Twice member na si Sana.
Sa Instagram, kanya-kanyang post ang mag-loveteam sa kanilang masayang experience sa second day ng Twice concert.
Sey ng Filo Once (tawag sa fandom ng Twice) na si Mavy: “to my wolfie, thank you for supporting me support twice & @m.by_sana .. ONCE for life haha!
“you will forever be my bias @itskylinealcantara.”
Post naman ni Kyline, “ready to be… @twicetagram. go lang po sir, @mavylegaspi. Always here to support.”
Bukod kina Mavy at Kyline, namataan din sa first day ng Twice concert sina SB19 member Josh Cullen at vlogger/influencer Mimiyuuuh.