Kyline

Kyline safe ang sagot pagdating kay Mavy

August 31, 2024 Vinia Vivar 218 views

Hindi pa rin masagot ni Kyline Alcantara ang diretsong tanong sa kanya ni Boy Abunda kung sila na ba ni Kobe Paras.

Nag-guest si Kyline sa “Fast Talk with Boy Abunda” at siyempre, hindi pwedeng hindi matanong sa kanya ang tungkol sa kanila ni Kobe.

Pero nagpauna na agad ng paumanhin ang aktres kay Kuya Boy.

“Patawad po Tito Boy, pero hindi ko po kayo masasagot ngayon,” aniya. “But all I can say is he makes me happy.”

Natanong din si Kyline tungkol sa viral “kandong” video nila ni Kobe at nagkwento naman ang aktres.

“Sa bahay po ‘yan ng super close friend ko na naging friend na rin po ni Kobe. Nandiyan po ‘yung mga non-showbiz friends ko at nandiyan din po ang aking mga magulang,” pagbahahagi ni Kyline.

“Inaasar po kasi namin si Kobe na kumanta siya, nahihiya po siya. So I was just there to support him and I guess that’s my way of supporting him,” dagdag niya.

Hindi rin nakaligtas si Kyline sa tanong about her past relationship with Mavy Legaspi.

As always, very safe ang sagot ng aktres.

“Well, in every relationship naman po that I have or had, whether it’s professionally or friendly man or romantic, I always try to learn something from it, both the good and the bad experiences,” sey niya.

“Right now, I think we should all move on from that experience and I will treasure that moment po kasi siyempre, it made me who I am today,” dagdag niya.

“I feel grateful that I experienced that po,” aniya pa.

AUTHOR PROFILE